Nadagdag ang bilang na 1,175 sa coronavirus disease 2019 o COVID-19 active cases o nasa 139.80 porsyento ang naitala ng Department Of Health (DOH) sa Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) region nitong Oktubre 12.
Mas mataas ito sa dating 490 cases at 45,068 indibidwal na ang tinamaan sa buong Region 4-A.
Nangunguna ang lalawigan ng Cavite na may pinakamataas na active cases na 5,414 ngunit ang Laguna pa rin ang nananatiling may pinakamaraming tinamaan ng COVID-19.
Ayon kay Regional Director Eduardo Janairo ng DOH 4-A, “With the additional laboratory testing centers that we have established mas madali pa nating malalaman kung gaano karami ang apektado ng covid, kasama na dito ang kasalukuyang ginagawang swab testing activities ng ating mga LGUs, mas maagapan pa natin ang pagdami ng mga kaso”.
Sa huling report kahapon mayroon ng 45,068 cases, 15,203 dito ay active cases, 557 ang probable cases, 28,842 ang nakarekober at 1,023 ang mga namatay.
Samantala, ang rehiyon ng Calabarzon naman ang may pinakamaraming health facilities sa buong bansa kung saan mayroong 21 laboratory testing facilities ang accredited at 13 laboratory testing centers.
Mayroon pang nasa Stage 5 testing facilities ang nagiintay ng kanilang accreditation.
Kayang magasagawa ng test ng 6,348 cases bawat araw sa mga laboratoryong nabanggit.
Katuwang ang Philippine Red Cross –Batangas Chapter na siyang may pinakamalaking testing capacity na aabot sa 3,240 at GeneXpert Testing ng RAKKK Prophet Medical Center, Inc. na may kakayahan ding magtest ng 32 pasyente bawat araw.