Centenarian sa Navotas City, tumanggap ng cash reward

Nakatanggap ng cash reward mula sa Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Navotas ang isang centenarian na nagdiwang ng kanyang ika-100 kaarawan nito.

Personal na iniabot ni Navotas Rep. John Rey Tiangco ang P10,000 cash na regalo kay lola Dominga Santiago, kasama ang mga kinatawan ng CSWDO na sana ay makatulong sa kanya at kanyang pamilya.

“Tanging hiling ko sa Poong Maykapal ay panatiliin po kayong malakas at malusog sa mga darating pang mga araw at mga taon. Mga kapwa kong Navoteño, bigyan natin ng mainit na pagbati ang ating Centenarian celebrant!” ani Cong. JRT.

Aniya, may P100,000 din na matatanggap si Lola Dominga mula sa National government. Sana all, umabot din ng isang daang taon. “Kaya mag-face mask at mag social distancing para abutin natin ang edad na iyon”, paalala ng mambabatas.

Samantala, nagpaabot din ng pagbati si Mayor Toby Tiangco kay lola Dominga kung saan sinabi nito na nag natatanggap na cash na regalo para sa mga centenarian na residente ng lungsod ay nagsimula pa noong 2014 bilang pagkilala sa kanilang naging kontribusyon sa pag-unlad ng Navotas.

Bukod dito, makakatanggap din si lola Dominga ng P500 NavoRegalo na isa sa mga programa ng Navotas para sa mga senior citizen na residente ng lungsod.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.