Breaking News

Share this information:

Patuloy na tumataas ang bilang ng naitatalang kaso ng COVID-19 sa bansa  dahil sa karagdagang mga nagpopositibo sa sakit.

Sa pinakahuling datos na inilabas ng Departemt of Health (DOH), pumalo na sa 502,736 ang kabuuang bilang ng mga tinatamaan ng sakit  matapos makapagtala pa ng bagong 2,163 na kaso ngayong Enero 18.

Sa araw na ito, dalawa lamang ang naitalang gumaling sa sakit dahilan para maging  465,988 ang mga gumagaling.

Ang mga pumanaw naman sa sakit ay umabot na sa 9,909  dahil sa karagdagan pang 14 na kaso ng mga namatay, habang ginagamot naman sa mga itinalagang mga pasilidad at ospital ang 26,839 pang mga aktibong kaso.

Ang mga probinsiya at syudad na may naitalang mataas na bilang ng kaso ngayong araw ay ang Davao City, 134; Cagayan, 100; Quezon City, 99; Leyte, 93 at Cavite na may 75 na kaso.

Ayon sa DOH, mayroong 4 na duplicates na inalis sa total case count kung saan dalawa rito ang recovered cases.

Bukod dito, 3 kaso na na-tag bilang recovered cases ang na-reclassify na namatay matapos ang isinagawang final validation.

Samantala, mayroon pa ring 4 na COVID-19 licensed laboratories na  bigong makapagsumite ng kanilang data sa COVID-19  Data Repository System  o CDRS nitong Enero 17.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: