Breaking News

Share this information:

CAMP NAKAR, QUEZON–Inaresto ng pulisya ang dalawang magkapatid na lola matapos mahulihan ng mahigit P700 libong halaga ng shabu sa Lucena City kaninang umaga (Enero 12).

Sa ulat ni PCol. Romulo Albacea, hepe ng Lucena City Police Station kay PCol. Ericson Dilag, Officer-in-Charge ng Quezon Provincial Police Office, natukoy ang magkapatid na suspek na sina Gloria de Chavez Diaz alyas Mommy, 61 anyos, walang trabaho, at Zenaida de Chavez y Diaz, 60 anyos, na parehong naninirahan sa Purok Santol 2, Brgy. Mayao Crossing, Lucena City.

Nakumpiska sa dalawang magkapatid na senior citizen ang halos 27 pirasong Heat Sealed Transparent Plastic Sachet (HSTPS) ng white crystalline, 1 coin purse at P500 bill na boodle money matapos magpanggap ang isang impormante na bibili ng ilegal na droga sa mga suspek.

Halos 38 gramo ng hinihinalang shabu ang tumambad sa tinitirhang bahay ng mga lola matapos itong salakayin ng mga operatiba.. Ang nahuling shabu ay tinatayang may street value na aabot sa P775,000.

Hindi na nakapalag ang mga lola na dinala sa Lucena City Police Station upang imbestigahan.

Base sa talaan ng pulisya, napag-alaman na ang magkapatid na lola ay dati nang mayroong kaso na may kinalaman sa droga.

Sa ngayon, sinampahan na ng kaso sa Prosecutor’s Offcice ang mga suspek dahil sa paglabag sa Sec. 5 at 11, Article 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: