INIULAT ng Department of Health (DOH) ang natukoy na karagdagang dalawang kaso ng Delta (B.1.617.2) variant base sa pinakahuling whole genome sequencing ng Philippine Genome Center (PGC).
Bukod dito, karagdagang 132 Alpha (B.1.1.7) variant cases, 119 Beta (B.1.351) variant, at tatlong Theta (P.3) variant cases din ang nadetect.
DELTA VARIANT CASES:
Ang dalawang kaso ng Delta variant ay kapwa mula sa Returning Overseas Filipinos (ROFs) na may travel history mula Saudi Arabia.
Kapwa sila dumating sa bansa noong May 29 at. nakakumpleto ng 10-day isolation period at nakalabas ng quarantine facility matapos ma- tag bilang recovered.
ALPHA VARIANT CASES:
Sa karagdagang 132 Alpha variant cases na natukoy, 125 ang local cases, isa ay ROF, at anim ang biniberipika kung local o ROF cases.
Base sa case line list, 15 kaso ang namatay at 117 kaso ang na-tag bilang recovered. Sa ngayon ang Alpha variant cases ay nasa kabuuan nang 1,217 bilang.
BETA VARIANT CASES:
Mula naman sa karagdagang 119 Beta variant cases na na-detect, 111 ay local cases, dalawa ang ROFs, at anim na kaso ay biniberipika pa kung local o ROF cases.
Sa case line list, tatlong kaso ang kasalukuyang aktibo, 104 kaso ang na-tag nang gumaling at 11 kasi ang namatay.
Ang kabuuang kaso na ng Beta variant ay 1,386.
THETA VARIANT CASES:
Ang tatlong karagdagang Theta variant cases ay local cases at sila ay gumaling na.
Sa kasalukuyan ang Theta variant ay hindi variant of concern (VOC) dahil kailangan pa ng maraming datos upang masabi na may kabuluhang implikasyon ito sa kalusugan ng publiko.

