Breaking News

Share this information:

INAMIN ng Department of Health (DOH) na malaking hamon sa ahensiya ang mga nangyayari sa Bulkang Taal at mga kalamidad sa kanilang pagsisikap na pigilan ang pagkalat ng COVID-19 infection.

Ayon kay Usec. Maria Rosarip Vergeire, ito ay dahil kailangan alisin ang mga residente na nakatira malapit sa Taal sa kanilang tahanan at iwasang magkakasama sa isang lugar.

Ito aniya ang banta at panganib sa ating lahat kaya naman aniya ang lahat ng health emergency and management units sa bawat rehiyon, ang National Disaster Risk Reduction Management Council NDRRMC) ay naghahanda na para sa mga paparating na kalamidad.

Para kapag tayo ay  nag-ievacuate we will be assured na wala pong further na hawaan na mangyayari,” ani Vergeire.

Sa ngayon wala pa naman umanong hawaan na nangyayari  sa mga bakwit (evacuees).

Sa kabila nito, nagsagawa naman ng mass vaccination kung saan sinabi ni Health Secretary Francisco Duque na nasa 3,000 bakuna ang naipadala  sa mga evacuation centers para sa kanilang proteksyon.

Ayon pa kay Duque nagpapadagdag pa ng 2,000 bakuna  para sa mga bakwit .

Humingi naman ito ng pang-unawa sa mga bakwit sa kabila ng kagustuhan ng gobyerno na mabakunahan lahat ngunit sa ngayon ay  limitado lamang aniya ang suplay ng bakuna.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: