Breaking News

Share this information:

PINAALALAHANAN ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Guillermo Eleazar ang lahat ng mga opisina ng pulisya na mas paigtingin ang kampanya laban sa illegal gambling activities sa kani-kanilang mga nasasakupan.

 Ito ang naging hakbang niya matapos matanggal sa puwesto ang dalawang station commander at pito nitong police community precinct chiefs sa Quezon City Police District (QCPD) dahil hindi nila nagawang pababain ang kaso ng illegal gambling sa kanilang lugar.

Nagbigay naman ng babala si Eleazar na maaaring mas maraming pulis ang matanggal sa pwesto kung hindi pa rin matutuunan ng pansin at masosolusyunan ang isyung ito.

Magsilbing babala sana ito sa lahat ng ating kapulisan na mas paigtingin pa ang laban kontra illegal gambling lalo ngayong may pandemya. Kasama sa sinumpaang tungkulin at mandato ng bawat kapulisan ang pagsupil sa ilegal na gawain na ito,” ayon kay PGen Eleazar.

Responsibilidad ng bawat pulis na siguraduhing walang kahit anong klase ng illegal gambling sa kanilang lugar dahil ito rin minsan ang pinagmumulan pa ng ibang klase ng krimen o kaguluhan,” dagdag pa ni Eleazar.

 Pinaringgan din ng Chief PNP ang mga pulis na di umano’y nagbibigay ng proteksyon sa mga taong nasa likod ng nasabing ilegal na gawain.

Mananagot kayo sa akin kapag talagang kayo pa ang nagbibigay ng mga proteksyon sa mga illegal gambling lords na ito. Kasama kayo sa kakasuhan at maaari pa kayong matanggal sa serbisyo,” pahayag ni PGen Eleazar.

Sa kabilang banda, hinangaan naman ni Eleazar si QCPD Director Police Brigadier General Antonio Yarra dahil sa kaniyang ginawang aksiyon sa pagpapatupad ng “one-strike policy” sa lahat ng kaniyang station at unit commanders na naugnay o nabigong puksain ang illegal gambling sa kanilang lugar.

Hinimok din ni Eleazar ang buong kapulisan na magkaroon at magpatupad ng pare-parehong hakbangin laban sa illegal gambling.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: