Breaking News

Share this information:

NAG-ISYU na ng pamantayan ang Department of Education (DepEd) tungkol sa vacation service credits ng mga guro sa darating na School Year 2020-2021.

Ayon sa DepEd, kinikilala nila ang mga pagsisikap ng mga guro, lalo na’t nasa gitna ng pandemya, kaya nakatuon ngayon ang kagawaran na maibigay ang mga benepisyong nararapat nilang matanggap at naaayon sa batas.

Alam ng DepEd na maraming mga guro ang kinakailangan na magtrabaho kahit na araw ng Sabado at Linggo o di kaya naman kahit holiday upang maging handa para sa mga hakbangin ng kagawaran na masiguro ang pagkatuto ng mga estudyante sa gitna ng pandemya.

Makatapos kumonsulta sa Civil Service Commission (CSC) at sa Department of Budget and Management (DBM), at kasabay ng masidhing pag-aaral ng batas ukol dito, ay nakapaglabas na ng clarificatory guidelines para sa vacation service credits ng kaguruan sa S.Y 2020-2021.

Ayon sa DepEd Memorandum No. 065, series of 2021, ang mga gawain sa ilalim ng DO No. 53, s. 2003 (Updated Guidelines on the Grant of Vacation Service Credits to Teachers) kung saan ang service credit na maaaring makuha ay mas pinataas kapag ito ay ginawa ng weekends o holiday mula Hunyo 1, 2020 hanggang Hulyo 10, 2021.

Kasama sa mga gawaing ito ay ang mga orientation at training activities na kaugnay sa implementasyon ng distance learning modalities, enrollment activities, Balik-Eskwela, paggawa ng accomplished enrollment form sa Learner Information System (LIS) enrollment module, mental health at psychosocial support activities, at paghahatid ng mga learning materials.

Ilan lamang iyan sa mga kasama sa mga listahan ng mga gawain na nakapaloob para makuha ang service credit.

Upang magkaroon ng mataas na bilang ng service credits ang mga guro, sinuspinde ang 15-days service credit limitation na nakapaloob sa DO No. 53, s. 2003 noong S.Y 2020-2021.

Ang pagkuha ng vacation service credits ay dapat suportado ng isang memorandum o letter of authority mula sa Schools Division Superintendent o di kaya naman sa Regional Director. Ang recommendation letter o request ay dapat pirmado rin ng office/school head, at ang Individual Daily Log and Accomplishment Report (IDLAR) ay dapat ding masuri. Hindi makakakuha ang mga guro ng service credits sa mga naisagawang gawain nang walang pangangasiwa ng mga opisyal.

Ang isang oras ng nagugol sa serbisyo kung weekends at holiday ay may karampatang 1.5 hours na service credit. Sa kabilang banda, ang isang araw ng trabaho sa vacation service credit ay dapat maibigay kada walong oras na naipong natapos na gawain.

(PHOTO CREDIT: pna.gov.ph)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: