Breaking News

Share this information:

ARESTADO ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga, kabilang ang isang delivery rider matapos makuhanan ng nasa P1.3 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni PLt. Col. Renato Castillo, hepe ng District Drug Enforcement Unit -Northern Police District (DDEU-NPD) ang naarestong mga suspek na sina Najeb Abdulwahab, 26 anyos, ng 648 Palanca St. San Miguel, Manila, at Najir Mustapha, 30 anyos, delivery driver, ng Brgy. Commonwealth, Quezon City.

Sa report ni PLt. Col. Castillo kay NPD Director PBGen. Jose Hidalgo Jr., dakong alas-5:45 ng hapon nang magsagawa ang pinagsamang mga operatiba ng DDEU-NPD sa pangunguna ni PMaj. Amor Cerillo at Philippine National Police Drug Enforcement Group – Special Operations Unit National Capital Region (PNP DEG-SOU NCR) sa pangunguna ni PLt. McKinley Mendoza sa ilalim ng pangangasiwa ni PLt. Col. Glenn Gonzales ng buy-bust operation sa Salmon St. Dagat Dagatan, Brgy. 8, Caloocan.

Isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon sa mga suspek ng P210,000 halaga ng droga at nang tanggapin ng mga ito ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang knot tied transparent plastic ng shabu ay agad silang sinunggaban ng mga operatiba.

Nakumpiska sa mga suspek ang dalawang knot tied transparent plastic na naglalaman ng humigit-kumulang sa 200 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P1.36 milyon, buy-bust money na isang tunay na P1,000 at 209 pirasong P1,000 boodle money, isang kulay brown na Kia Rio (UBQ-613) at Ecobag.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: