“Kadiwa store, dapat palawakin” – Roman

Share this information:

DAPAT pa umanong palawakin ang programa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., partikular ang Kadiwa store dahil abot kamay ito ng mas nakakaraming ordinaryo at mahihirap na Pilipino lalo pat sabay sabay ang pagtaas ng presyo sa pangunahing mga bilihin ngayong panahon ng kapaskuhan.

Ito ang ipinahayag ni Bataan 1st District Representative Geraldine Roman at sinabi nitong mas makabubuti sa mga magsasaka ang pagpapalawak pa ng saklaw ng Kadiwa store project sa buong bansa.

Bilang pagsuporta sa administrasyong Marcos ay inihain ng mambabatas ang House Bill 5601 o ang “Magna Carta for Agriculture Workers and Revitalized Agriculture Value Chain of 2022”.

Ipinaliwanag ni Roman na sa pamamagitan ng Kadiwa system ang mamamayan ay makakabili ng mas mababang halaga ng mga bilihin na tunay na abot ng masang Pilipino kabilang ang mga mahihirap.

Gayunpaman, ang mga magsasaka ay maaaring kumita sa kanilang mga ani o kalakal na hindi pinapasa ang malaking halaga ng produksyon sa mga mamimili.

“What we experienced during the pandemic should be a lesson learned in terms of logistics and supply chain planning,” saad ni Roman, chairperson ng House committee on women and gender equality.

Sa explanatory note ng kanyang panukala, sinabi ni Roman na itatatag ang Kadiwa bilang government arm na direktang pagbili sa mga magsasaka, upang matiyak na maibabalik ang puhunan at makibahagi sa muling pagsigla ng agriculture value chain.

“The value chain addresses supply chain gaps within the agriculture industry and develop an alternative market for domestically-produced agricultural goods completely dedicated to maximizing the economic benefit of both producers and consumers,” dagdag ni Roman.

Sa panukala, sinabi ng mambabatas na itatatag ang isang infrastructure map sa pamamagitan ng pagbibigay ng katatagan ng loob sakaling ang supply chain ay makompromiso sa mga natural o man-made na kalamidad.

“We need to transform agriculture to a sustainable and diversified sector to ensure economic recovery, reduction of poverty and food security,” pagtatapos ni Roman.

Pantay na pagkakataon ang isinusulong ni Roman para sa lahat ng Pilipino. Para sa kanya, ang pagkapantay-pantay sa pagtrato ng mga indibiduwal na walang hadlang, maling pananaw, kagustuhan, maliban ito’y may pagkakaiba at malinaw na makatuwiran. Matatag na naninindigan at bukas ang adhikain ng mambabatas sa pagsulong ng pagkakataon para sa lahat ng Pilipino na walang kinikilingan sa kayamanan, katayuan o pagiging miyembro ng isang maimpluwensiyang grupo.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.