Panukalang batas para sa 2nd phase ng CARP, inihain sa Kongreso

Share this information:

NAGHAIN ng isang panukalang batas si Bataan 1st district Rep. Geraldine Roman na layong makompleto na ang Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP), at magkaroon ng second phase na magbibigay ng subsidiya sa pagkuha at pamamahagi ng mga lupang sakahan sa mga benepisaryo nito.

Sa House Bill 223, sinabi ni Roman na habang malinaw sa Saligang Batas ang mandato sa repormang agraryo, hindi maliwanag ang aksyon dito ng gobyerno.

“Sa tagal ng panahon hindi nangangahulugang katapusan na ng agrarian reform program. Ang hamon ng panahon ay matiyak na maipagpatuloy ito dahil isa itong mahalagang parte ng national development at social justice program,” sabi ni Roman.

Sa ilalim ng House Bill 223, kapag nakompleto na ng agrarian reform beneficiaries ang kabayaran sa loob ng 30 taon amortization schedule at interest charges, sila ay pagkakalooban ng gobyerno ng paunang puhunan makaraang mabigyan ng Certificate of Land Ownership Award (CLOA), dadag sa credit facilities at awtomatikong kwalipikasyon sa iba’t ibang serbisyo kabilang na ang pabahay, edukasyon at pautang.

Sa kabila ng kabiguan ng Presidential Agrarian Reform Council (PARC) sa pagganap sa obligasyon ayon sa batas upang matiyak ang implementasyon sa loob ng limang taon palugit, sinabi ni Roman na simple ang naging paliwanag sa kabiguan. Hindi nagpulong ang PARC magmula noong 2006 hanggang 2016.

“Agriculture continues to be one of the weakest links in our country. A higher incidence of poverty is prevalent in the farming sector particularly among the landless farmers and the farm workers. Much has been said and done about the agrarian reform program in the Philippines. Much is still to be said. Much is still to be done,” dagdag pa ni Roman.

Pantay na pagkakataon ang isinusulong ni Roman para sa lahat ng Filipino. Para sa kanya, ang pagkapantay-pantay ay pagtrato sa mga indibiduwal na walang hadlang, maling pananaw, kagustuhan, maliban ito’y may pagkakaiba at malinaw na makatwiran.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.