Tulfo, tuloy lang sa trabaho sa DSWD kahit nabalam ang appointment

SA kabila ng pagkabalam ng kanyang appointment sa Commission on Appointments (CA), tiniyak ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Erwin Tulfo na tuloy ang kanyang trabaho.

Sinabi niya ito sa Kapihan sa Manila Bay, sabay dagdag na ang pagtuloy niya ng kanyang trabaho ay ayon na rin sa instruction ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ayon kay Tulfo, kahit ma-bypass siya ay mayroon pa rin siya hanggang Marso na kailangan na ma-appoint ng Commission on Appointments.

Ang instructions was, to keep on going – ang instruction ng ating Presidente kasi nga naman po –yung ika nga, yung appointment ko– Yung panunumpa ko sa kanya is effective until March po next year,” pahayag ng kalihim.

Wala naman aniyang sinasabi ang Pangulo kung ano ang gagawin basta’t sinabihan siya na maghanda.

Dagdag pa nito na sinabi rin ng Pangulo sa pamamagitan ng text message na hayaan lamang ang CA na gawin ang kanilang trabaho dahil wala naman aniyang magagawa ang ehekutibo hinggil sa isyu dahil trabaho ito ng legislatura kaya hintayin na lamang ang desisyon ng CA.

Ang pahayag ng Pangulo ay matapos humingi ng “guidance” si Tulfo sa kanya kaugnay sa isyu.

Samantala, hindi  naman idinetalye ni Tulfo ang deliberasyon kaugnay sa kanyang citizenship ngunit tiniyak nito na ilang buwan bago siya ma-appoint ng Pangulo ay isinurender na nito ang kanyang pagiging US citizen.

Pagdating naman sa kanyang 4 counts ng libel case, limitado rin ang kanyang sinabi dahil ayaw nitong pangunahan o maimpluwensyahan ang pinag-uusapan sa deliberasyon.

Aniya, mag-uusap pa sila ng kanyang abogado para umapela sa Korte Suprema hinggil sa naturang usapin.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.