Jewelry shop sa Maynila, natangayan ng P1 milyon

Share this information:

Natangayan ng isang milyong piso ang isang jewelry shop ng hindi bababa sa tatlong suspek Miyerkules ng umaga sa Sta. Cruz, Maynila.

Ayon sa may-ari ng Dulo’s Jewelry na si Dulo Cai, isang Filipino-Chinese, kabubukas lamang niya ng kanilang tindahan na matatagpuan sa Recto Avenue sa pagitan Torres St. at ng Rizal Avenue nang pumasok ang isang lalaki.

Sa footage na kuha ng CCTV ng jewelry store, may dalawa pang lalaki na posible umanong  kasabwat  ng naunang pumasok na lalaki ang nagsilbing lookout at sumenyas nang nalaman na nag-iisa lamang ang biktima.

Ayon pa kay Cai, tinutukan siya ng baril ng suspek kaya hindi na ito nakapalag pa.

Kasunod nito, tinangay ang bag nito na naglalaman ng kalahating milyong piso bukod pa sa mga gintong alahas na nagkakahalaga rin ng kalahating milyon.

Sinubukan naman ng mga tambay sa jewelry store at guwardiya ng katabing hotel na sumaklolo sa biktima ngunit maging sila ay tinutokan ng baril ng suspek.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.