Engkwentro ng terorista at militar, mga baril, narekober

Share this information:

CAMP CAPINPIN, TANAY, RIZAL–Naka-engkwentro ng pinagsamang elemento ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ang sampung miyembro ng New Peoples Army (NPA) nitong nakaraang Martes ng hapon sa Barangay Bulo, Mulanay,Quezon

Nagsimula ang sagupaan bandang alas 4:30 ng hapon nang makasagupa ng tropa ng gobyerno ang grupo ni alias Marvin, miyembro ng teroristang NPA ng  Sub Regional Military Area or SRMA 4B na siyang gumagawa ng mga aktibidades sa nasabing lalawigan.

Matapos ang 25 minutong bakbakan ay narekober ang tatlong M16 rifle, isang M-203 grenade launcher  at AK 47 rifle na iniwan ng mga kalaban.

Sa pahayag ni MGen. Greg Almerol, Commander ng 2nd Infantry Division (2ID, wala umanong sugatan sa hanay ng gobyerno na nakipaglaban sa maka-kaliwang grupo. Inaalam din nila aniya kung mayroong sugatang NPA.

Dagdag pa nito, “This milestone is a result of the combined efforts of concerned citizens and former rebels in providing real-time information regarding the presence of NPAs in the community, being one with the government toward its finishing touches to fully end insurgency in the country.”

Sa ngayon, mas pinaigting na ng AFP-PNP ang mga checkpoint sa lugar at naka-high alert din ang mga asset ng militar upang matukoy ang kinaroroonan ng mga tumakas na terorista.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Jewelry shop sa Maynila, natangayan ng P1 milyon

Wed Feb 3 , 2021
Natangayan ng isang milyong piso ang isang jewelry shop ng hindi bababa sa tatlong suspek Miyerkules ng umaga sa Sta. Cruz, Maynila. Ayon sa may-ari ng Dulo’s Jewelry na si Dulo Cai, isang Filipino-Chinese, kabubukas lamang niya ng kanilang tindahan na matatagpuan sa Recto Avenue sa pagitan Torres St. at ng Rizal Avenue nang […]

Follow Us

%d bloggers like this: