SINABI ng pamunuan ng Simbahan ng Quiapo na inaasahang aabot sa isang milyon ang dadalo o makikiisa sa aktibidad sa Quirino Grandstand sa Maynila para sa Pista ng Itim na Nazareno simula ngayong Sabado.
“In previous years (pre-pandemic), we reached millions in total, and all Masses were filled. In the grandstand, probably, the usual number of devotees pre-pandemic. We expect the grandstand to have whatever devotees can occupy and together with the line for the tribute, it will really reach a million,” ayon kay Fr. Earl Valdez, attached priest ng Quiapo church
Mananatili ang imahe ng Black Nazarene sa Luneta ng tatlong araw mula ika-7 ng Enero o Sabado hanggang ika-9 ng Enero o araw ng Lunes, ang mismong araw ng Pista ng Poong Itim na Nazareno.
Ang panimulang aktibidad ay ang “pagpupugay” na tatakbo mula Enero 7 hanggang 9, na papalit sa tradisyonal na “pahalik.”
Magdadaos naman ng Misa sa Enero 8 ng hatinggabi na pangungunahan ni Fr. Rufino Sescon Jr., rector ng Minor Basilica of the Black Nazarene, na susundan ng Walk of Faith procession.
Magsisimula ang prusisyon sa Quirino Grandstand hanggang Quiapo Church sa Quezon Boulevard.
Pangungunahan naman ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang Feast Day Mass sa hatinggabi ng Enero 9.