Isabela, ibinalik sa GCQ status

IBINALIK sa general community quarantine (GCQ) ang klasipikasyon ng probinsiya ng Isabela, maliban sa Santiago City.

Inaprubahan ng Inter-Agency Task Force ang pagihihigpit ng quarantine status sa Isabela mula sa modified GCQ kasunod ng pagtaas muli ng mga kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Iiral ang GCQ sa Isabela hanggang sa Disyembre 31 ng kasalukuyang taon.

Paliwanag ni Presidential spokesman Secretary Harry Roque, ang desisyon na ng IATF ay batay sa moderate risk cross-tabulation ng average daily attack rate at sa  2-week daily growth rate.

Alinsunod na rin aniya ito sa hiling ni Isabela Governor Rodolfo Albano III na higpitan muli ang kanilang quarantine classification dahil sa pagdami ng mga kaso ng virus infection sa lalawigan. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.