LUMOBO pa ang bilang ng mga tinamaan ng coronavirus disease o COVID-19 sa Quezon City.
Ito ang inihayag ng City Health Department kung saan umabot na sa 26,496 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod hanggang araw ng Martes (Dec. 15).
Ang nasabing bilang ng kaso ay na-validate ng buong ESU at district health offices sa buong lungsod.
Samantala, nasa 939 o katumbas ng tatlong porsyento ang itinuturing na aktibong kaso ng sakit.
24,813 o 94 porsyento ang bilang ng mga pasyenteng naka rekober sa virus habang 744 o tatlong porsyento ang nasawi.
Nasa 21,998 ang bilang naman na isinasailalim sa contact tracing.