Ayungin Shoal incident iniimbestigahan na ng PCG

Share this information:

SINABI ng Philippine Coast Guard (PCG) na iniimbestigahan na nito ang nangyaring insidente sa Ayungin Shoal kung saan itinaboy umano ng Chinese Coast Guard (CCG) vessel ang isang Filipino fishing boat.

Sa incident report na isinumite ni Lito Al-os, ang boat captain ng Filipino fishing boat (FFB) Ken-Ken sa PCG noong Enero 9, itinaboy sila ng CCG 5204  habang nangingisda sa katubigang bahagi ng Ayungin Shoal ng nasabing petsa.

Nagmaniobra ito patungo patungo sa FFB KEN-KEN sa layong humigit-kumulang 800 yarda at nag-deploy ng rigid hull inflatable boat (RHIB). 

Sumenyas ang mga tauhan ng CCG na sakay ng RHIB na umalis sa lugar ang mga mangingisdang Pilipino.

Dahil dito, binago ng FFB KEN-KEN ang kanyang ruta at umalis sa Ayungin Shoal. 

Gayunpaman, ipinagpatuloy ng CCG 5204 ang pagbuntot sa FFB KEN-KEN habang patungo sa Boxall Reef.

Nang matanggap ang ulat, agad na nagdeploy ang PCG ng karagdagang Coast Guard vessels upang palakasin ang presensya nito sa  West Philippine Sea (WPS). 

Ito ay upang maprotektahan ang interes at matiyak ang kaligtasan ng mga mangingisdang Pilipino na nagsasagawa ng pangingisda sa nasabing katubigan bilang kanilang pinagkukunan ng kabuhayan.

Sa ngayon, nangongolekta ang PCG ng ebidensya at karagdagang impormasyon na ipapasa sa Department of Foreign Affairs, (DFA).

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.