Isa patay sa sunog sa Paco; apat na bumberong rumeresponde, sugatan

Share this information:

ISA ang patay nang sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Paco, Manila madaling araw ng Lunes 

Itinaas sa ikalawang alarma ang sunog na tumupok sa ilang kabahayan sa Fabie St. sa nasabing lugar .

Nagsimula ito ala-1:17 ng madaling araw at tuluyang naapula pasado alas dos na ng umaga.

Inaalam pa ang pinagmulan ng sunog at kung ilang bahay ang tinupok ng apoy gayundin ang bilang ng mga pamilyang naapektuhan.

Samantala, apat naman ang sugatang bumbero nang tumagilid ang kanilang fire truck habang papunta sa Paco upang rumesponde sana sa sunog.

Ayon sa ulat, bumangga sa nakaparadang jeep saka tumagilid ang fire truck ng Manila Fire Department sa Pedro Gil.

Ligtas naman ang driver ng jeep na umano’y nakahinto lamang sa isang gas station nang mabangga ng mga bumbero.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.