Ilang silid-aralan sa Bataan, natabunan ng putik dahil sa malakas na buhos ng ulan

Share this information:

NATABUNAN ng mudslide ang ilang mga silid-aralan sa Quinawan Elementary School sa Bagac, Bataan bunsod ng sunod sunod na mga pag-ulan nitong mga nakalipas na araw.

Ayon kay Glensy Diwa, Officer-in-Charge ng Bataan Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO), nag inspeksyon na sila sa mga nasirang school building kasama ang lokal na opisyal ng Disaster Risk Reduction Management Office (DRRMO) officials para sa assessment ng mga damaged structure base sa naging ulat ng Department of Education (DepEd) Bataan.

Nangyari ang mudslide noon pang Agosto 6 at sa ngayon ay inaabangan pa ang assessment dito ng Mines and Geosciences Bureau ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Wala namang naiulat na nasaktan sa naturang mudslide.

Ayon pa kay Diwa, isa ang naturang paaralan sa nagsisilbing evacuation center kapag may anumang sakuna sa lugar.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.