P9 million halaga ng smuggled cigarettes, nasabat sa Bataan

Share this information:

Humigit-kumulang siyam na milyong pisong halaga ng smuggled na sigarilyo ang nasabat ng Philippine National Police (PNP) sa Bataan.

Sa report mula kay Limay PNP chief Police Major Madtaib Jalman kay Bataan PNP Provincial Director, Police Col. Joel Tampis, naharang ang isang Isuzu truck na minamaneho ni Alberto Gianan sa Alangan checkpoint sa bayan ng Limay.

Hinarang ang truck dahil nabigo itong makapagpakita sa mga awtoridad ng karampatang dokumento ng mga ibinyahe niyang sigarilyo patungo sanang Maynila. 

Isinagawa ang operasyon katuwang ang 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC) at nasabat ang 460 master cases ng iba’t ibang brand ng sigarilyo kagaya ng Marvels, D&B, at Mithy and Tomon, na ayon sa mga kinatawan ng Philip Morris, Fortune Tobacco Corp. at Japan Tobacco Inc., ay aabot sa P9 million ang market value ng mga nasabat nilang smuggled mga sigarilyo.

Dinala sa Bureau of Customs sa Limay ang mga nasabat na sigarilyo para sa karampatan pang dokumentasyon kasama ang driver na si Gianan at pahinante nito na si Benmark Cabubas. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Isa pang dating pulis-Maynila, dinukot

Thu Feb 25 , 2021
Iniimbestigahan ngayon ng Manila Police District (MPD) ang pagdukot umano ng mga armadong kalalakihan sa isa na namang suspendidong pulis Maynila  sa Sta. Mesa, Maynila. Kinilala ang biktima na si Patrolman Real Lopez Tesoro, 41 anyos, na huling nakatalaga sa MPD Station 7 Tayuman Police Community Precinct (PCP), at residente […]

Follow Us

%d bloggers like this: