Isa, nasawi dahil sa UK variant ng COVID-19

Share this information:

Mayroon nang kumpirmadong nasawi dahil sa UK variant ng COVID-19. 

Ayon sa report ng Department of Health (DOH),  sa 25 indibidwal na tinamaan ng UK variant, nakarekober na ang 22 katao habang dalawa pa ang nananatiling aktibong kaso. 

Nabatid na isang 84 anyos na lola mula sa La Trinidad, Benguet ang nasawi subalit palaisipan sa DOH kung saan ito nakuha ng  matanda dahil hindi umano ito lumalabas ng bahay. 

“Noong kausap natin ang regional office, they said this person never went out — seldom — nandoon lang daw sa loob ng bahay, walang ibang contact. Tinitingnan natin kung ano ang source of infection,” ayon kay DOH Usec. Ma. Rosario Vergeire. 

Dagdag pa ni Vergeire, mayroon pang isang pasyente na hindi rin malaman kung saan nahawa subalit wala pa rin community transmission na nagaganap. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.