TUMAAS ang bilang ng mga kabataan na nabubuntis, ayon sa ulat ng Commission on Population and Development.
Ito ay base sa tala ng Philippine Statistics Authority (PSA) kung saan tumaas ng pitong porsiyento ang teenage pregnancy sa bansa.
Mula sa dating 62,341 noong 2018, ito ay naging 62,510 sa taong 2019 ayon sa PSA.
Kabilang sa mga lugar na mataas ang bilang ng mga menor de edad na nabubuntis ay ang Calabarzon, National Capital Region at Central Luzon.
Ayon kay Population and Development Usec. Juan Antonio Perez III, nakikipag-ugnayan na ang kanilang ahensya sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang makagawa ng hakbang para mapababa ang kaso ng teenage pregnancy.