Overseas voters, hinikayat ng Comelec na makilahok sa internet voting test run

Share this information:

Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa mga overseas voters na makilahok sa isasagawa nilang test run para sa internet voting.

Nabatid na ang internet voting ay isa sa mga pamamaraan ng pagboto na ikinukonsidera ng Comelec, sa gitna na rin ng nagpapatuloy na banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa isang pahayag na inilabas nitong Lunes, nabatid na partikular na hinihikayat ng Comelec na mag-sign up para sa test run ay ang mga rehistradong botante na mayroong aktibo at kumpletong voter registration record.

“Their registration status must be active, which means that it must not have been deactivated for failure to vote in the two previous elections in 2016 and 2019,” anang poll body.

Sinabi ng Comelec na ang mga interesadong lumahok sa test run ay dapat na mayroon ring kumpletong biometrics data, kabilang na ang larawan, fingerprint at lagda.

Upang makalahok, dapat na ang botante ay mayroon ring smartphone, na may kakayahang magpatakbo ng Android o iOS apps, o di kaya ay laptop o personal computer, o iba pang mobile device na mayroong internet o data access.

Maaari umano silang mag-sign up gamit ang form na nakapaskil sa Facebook page ng Office for Overseas Voting (OFOV) ng Comelec.

“In compliance with our data privacy policy, interested participants will be required to email us their signed consent form, together with a copy of their passport or seafarer’s book,” ayon kay OFOV director Sonia Bea Wee-Lozada.

Pinayuhan rin niya ang mga botanteng lalahok na ipadala lamang ang mga naturang dokumento sa kanilang official email address na overseasvoting@comelec.gov.ph.

Maaari umanong mag-sign up ang mga test voters ng hanggang 8:00 ng umaga, oras sa Maynila, sa Pebrero 12, 2021.

Ang presidential elections sa Pilipinas ay nakatakdang idaos sa Mayo 2022.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Isa, nasawi dahil sa UK variant ng COVID-19

Mon Feb 8 , 2021
Mayroon nang kumpirmadong nasawi dahil sa UK variant ng COVID-19.  Ayon sa report ng Department of Health (DOH),  sa 25 indibidwal na tinamaan ng UK variant, nakarekober na ang 22 katao habang dalawa pa ang nananatiling aktibong kaso.  Nabatid na isang 84 anyos na lola mula sa La Trinidad, Benguet […]

Follow Us

%d bloggers like this: