Internet speed sa Pilipinas, “hindi masama” – DICT

KUNG tutuusin ay nagkaroon na ng improvement o bahagyang gumanda na ang bilis ng internet connection sa Pilipinas.

Ayon iyan kay Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Gregorio Honasan II na nagsabing hindi naman ganuon kasama ang internet speed sa bansa.

Sa budget deliberation ng House Committee on Appropriations, sinabi ni Honasan na kahit sa ibang bansa ay pumapalo ng 55 mbps ang bilis pero sa Pilipinas ay nasa 3 hanggang 7 mbps, okay na umano ito kumpara nuon.

Hindi naman aniya sila nagdadahilan at alam nila ang responsibilidad pero sinusubok nang maayos ang internet speed sa bansa.

Sinabi naman ni DICT Assistant Secretary Emmanuel Caintic na talagang may pangangailangan na magkaroon ng maayos na telecommunications infrastructure.

Aabot sa 46-bilyon ang hinihinging pondo ng DICT para sa susunod na taon.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.