4 patay sa pagbagsak ng helicopter sa Basilan

APAT na bangkay ang narekober sa pinangyarihan ng pagbagsak ng helicopter sa Barangay Upper Manggas, bayan ng Lantawan sa Basilan, Miyerkules ng hapon.

Batay sa paunang impormasyon, dakong ala-una ng hapon nang bumagsak ang helicopter ng Philippine Air Force 505th Search and Rescue Group, na may tail number 202 sa gitna ng malakas na ulan at hangin sa lugar.

Ayon kay Lantawan municipal administrator Tahira Ismael, sa apat na sakay ng chopper, isa ang babae.

Patungo sana ng Zamboanga mula sa Jolo, Sulu ang helicopter upang ilikas ang isang civilian personnel.

Kinumpirma rin ng Armed Forces of the Philippines Western Mindanao Command ang insidente at nagpapatuloy na ang imbestigasyon.

(Photo credit: Philippine Army 4th Special Forces Battalion)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.