Internet absentee voting, tinitingnang ipalit sa ove para sa overseas absentee voting

Share this information:

TINITINGNAN ng Commission on Elections (Comelec) ang posibilidad na itigil na ang “mail-in” at “in-person” voting para sa overseas absentee voting (OAV) kung sakaling mas pabor sa mga overseas Filipino worker (OFW) ang “internet absentee voting” sa 2025.

“Kung after the 2025 election, nakita natin na mas pinatronize pala, mas ginusto pala ng mga Pilipino abroad ‘yung internet voting, halimbawa kung ipatutupad talaga natin sa 2025, at pagkatapos eh konting-konti na lang ang nag-avail ng in-person voting eh siguro nga mas maganda na pwede nang mawala ‘yung dalawang modes at matira na lang ‘yung internet voting,” sabi  ni Comelec Chairman George Erwin Garcia.

Sa kasalukuyan, ang Comelec ay gumagawa na ng hakbang para mabuo ang mga detalye at paghahanda para sa paggamit ng internet voting bilang bahagi ng polisiya.

Sinabi ng Comelec na nais nila itong ipatupad para madagdagan ang bilang ng mga OFW na bumoboto.  

Noong nakaraang National and Local Election nitong 2022, higit sa 34 porsiyento ng mga rehistradong OFW na mga botante ang aktuwal na nakaboto, subalit mas mataas pa din ito sa 31 porsiyento noong 2010.

Ayon sa Comelec, titiyakin nila ang seguridad at integridad nito sa pamamagitan ng paglalagay ng mga “features” na kayang magberepika ng resulta sa oras na maipatupad ang internet voting 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.