Ilang suspek sa Dacera rape-slay, nagpadala na ng surrender feelers

Share this information:

NAGPARAMDAM na umano ng kagustuhan na sumuko ang ilan sa mga suspek sa pagpatay at pinaniniwalaang panghahalay sa flight attendant na si Christine Dacera.

Inihayag ito ni Philippine National Police (PNP) Chief General Debold Sinas kasunod ng kanyang pakikipagpulong sa pamilya ni Dacera.

“Some of them have already made initial contacts and pinu-push through po namin para magshed light lang sila,” ayon kay Sinas.

Una nang nagpalabas ng 72-oras na ultimatum si Sinas para sumuko na ang mga suspek sa krimen dahil kung hindi ay gagamit umano ng puwersa ang PNP laban sa mga ito kung kinakailangan.

Walo pa sa mga suspek ang sinasabing at large o pinaghahanap.

“We are appealing to the family, kung alam niyong walang kasalanan yung anak or kamag-anak niyo, let them surrender. Our lines are open,” diin ni Sinas na aniya’y mayruong tinatawag na subpoena power ang PNP.

Sinabi ni Sinas na kung mabibigo ang mga suspek na iprisinta ang sarili ay maaring masampahan sila ng direct contempt.

“That’s why binigay ko na ang time because after hindi sila  magpakita, CIDG (Criminal Investigation and Detection Group) will be filing direct contempt [charges], so magka-warrant na kami. So kapag magka-warrant may dahilan na we will take them forcibly na para lang managot sila,” dagdag ng heneral.

Mayruon na aniyang na-organisang manhunt team ang CIDG para tugisin ang mga suspek.

Pinaninindigan naman ng PNP Chief na may aspeto ng panghahalay sa krimen sa kabila ng mga ulat na nasawi sa aneurysm at hindi pinatay o ginahasa si Dacera.

“We have discussed with the investigators and the other senior officers. I think there is really rape. Look, hindi ba yung babae may bruises?” ani Sinas.

“There are others na nakita sa CCTV footages na meron pang ibang pumapasok doon for the last hour ng incident,” dagdag nito.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.