Barangay Tanod patay sa paninita sa walang suot na face mask

Share this information:

NAPATAY sa pamamaril ang isang barangay tanod na nagmamando ng checkpoint sa Floridablanca, Pampanga nang barilin ng riding-in-tandem na kanyang sinita dahil sa hindi pagsusuot ng face mask.

Tinukoy ng pulisya ang pagkakakilanlan ng nasawing biktima na si Joseph Labonera Jr, 59-anyos, tanod ng Barangay del Carmen.

Batay sa kuha ng CCTV, makikita na tumayo si Labonera sa kanyang puwesto nang dumating ang dalawang suspek na sakay ng isang motorsiklo. Makaraang tumigil sa tapat ng biktima ay bumunot ng baril ang angkas na lalaki at pinatamaan ang tanod.

Hindi pa makilala ang mga salarin dahil may takip ang mukha ng isa habang naka-helmet naman ang gunman.

Patuloy nang sinisiyasat ng mga awtoridad ang insidente habang naglaan ng P300,000 pabuya ang gobernador ng lalawigan para sa makapagbibigay ng impormasyon na magiging daan ng pagkakahuli ng mga suspek.

CCTV screenshot courtesy to CLTV 36

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.