Ilang kalsada sa Tondo, Maynila isasara sa Pista ng Sto. Nino

Share this information:

INABISUHAN ng Manila Traffic Enforcement Unit ang mga motorista na umiwas sa mga lugar sa Tondo, Maynila dahil sa  gagawing kapistahan ng Sto. Nino de Tondo.

Sa inilabas na traffic advisory, mula alas-tres ng madaling araw ng Enero 17, pinayuhan ng MTEU ang mga motorista mula sa Morionest Street na dadaan ng J. Nolasco Street  na dumiretso  sa Juan Luna Street o Dagupan Street.

Ang mga sasakyan naman na galing ng Pritil na papuntang N. Zamora Street ay kailangang kumaliwa sa Moriones Street hanggang Juan Lun Street.

Ang mga sasakyan naman na daraan ng Asuncion Street ay dapat kumaliwa sa Tuazon Street.

Samantala, sarado ang J. Nolasco Street, mula Moriones hanggang Zamora Street gayundin ang kahabaan ng Morga Street, mula Asuncion Street hanggang Juan Luna Street.

Sarado rin ang kahabaan ng Sta. Maria Street mula Moriones Street hanggang Morga Street.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

12,000 reams ng bond paper ipinamahagi sa mga guro sa Hermosa, Bataan

Thu Jan 14 , 2021
Bilang karagdagang tulong mula sa Lokal na Pamahalaan ng Hermosa, personal na ibinahagi ni Mayor Jopet Inton ang labing-dalawang libong reams o pakete ng bond papers para sa mga guro sa bayan ng Hermosa, Bataan. Ayon kay Mayor Inton, layunin nitong matugunan ang pangangailangan ng mga guro at mga estudyante […]

Follow Us

%d bloggers like this: