12,000 reams ng bond paper ipinamahagi sa mga guro sa Hermosa, Bataan

Bilang karagdagang tulong mula sa Lokal na Pamahalaan ng Hermosa, personal na ibinahagi ni Mayor Jopet Inton ang labing-dalawang libong reams o pakete ng bond papers para sa mga guro sa bayan ng Hermosa, Bataan.

Ayon kay Mayor Inton, layunin nitong matugunan ang pangangailangan ng mga guro at mga estudyante lalo na sa mga basic learning materials tulad ng pag-iimprenta ng self-learning modules at worksheets. 

Kasama sa distribusyon sina Ginoong Ronnie Mendoza, Department of Education (DepEd Hermosa) District Supervisor, at mga school principal ng bayan ng Hermosa.

Dahil sa COVID-19 pandemic, nagsagawa ang DepEd ng alternatibong paraan para maituloy pa rin ang pag-aaral ng mga estudyante.

Ito ay tinatawag na blended learning o pag-aaral na sa pamamagitan ng online class at modular learning bilang alternatibo sa face to face classroom teaching.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.