Breaking News

Share this information:

Bilang bahagi ng programa ng  lokal na pamahalaan ng Maynila sa pagsugpo sa COVID-19, ilulunsad ang libreng drive-thru swab testing (RT-PCR) sa Quirino Grandstand simula sa Lunes, Enero 18.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, 100 pasyente ang maaaring sumailalim sa swab test kada araw.

Kinakailangan lamang na magpa-schedule  ang mga nais magpa-swab test  ng kanilang  appointment sa Manila Emergency Operation Center ng Manila Health Department.

Maari ding tawagan ang mga sumusunod na numero na:

09052423327
09983226367
09636023177
09555875976

Tiniyak ng alkalde na mananatiling  kaagapay ang Pamahalaang Lungsod sa gitna ng pandemya.

Nagpaalala rin ang opisyal sa publiko na mag-ingat pa rin dahil may COVID-19 pa kaya lagi magsuot ng face mask, face shield, maghugas ng kamay at obserbahan ang physical distancing sa lahat ng oras.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: