Ilang hospital sa Quezon City, nasa full capacity na

ILANG mga pampublikong hospital sa lungsod ng Quezon ang nagdeklara ng full capacity na dahil sa pagtaas ng kaso ng coronavirus disease sa Metro Manila.

Kabilang sa mga hospital na nagdeklarang “full capacity” ay ang Rosario Maclang Bautista na sumunod sa Quezon City General Hospital.

Sumirit naman sa 135 porsyento sa occupancy rate ng Covid-19 ward ang Novaliches hospital.

Kasalukuyang may 62 kumpirmadong Covid-19 patients ang nasabing ospital at punuan na rin maging sa mga wards nila para sa mga Covid-19 persons under investigation (PUIs).

Sa abiso na inilabas ng Novaliches hospital, hindi lang ang Covid-19 ward ang puno kundi maging ang kanilang mga pop-up tents sa paligid ng gusali ay puno na at ang kanilang emergency areas.

Gayunpaman, tumatanggap pa rin sila ng mga outpatient sa emergency area. Pero kung kinakailangang ma-confine o ma-admit sa ospital ay inaabisuhan nila na humanap ng alternatibong mapupuntahang ospital o pagamutan sa ngayon.

Maging ang 12 HOPE Facilities ng Quezon City ay nasa 75.53 porsiyento na ang occupancy rate

Sa naturang pasilidad na karaniwan dinadala ang mga pasyente na may mild symptoms.

Sa datos, nasa 9,400 active cases ang Quezon City matapos na madagdagan ng 157 active cases nitong araw ng Huwebes, August 26, 2021.

Tuloy-tuloy naman ang vaccination program ng lungsod kung saan nasa mahigit 2.2 milyon na ang nabakunahan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.