Ilang COVID-19 patient sa mga ospital sa NCR, inilipat na sa Manila COVID-19 Field Hospital

Share this information:

INILILIPAT na sa Manila COVID-19 Field Hospital ang ibang pasyente ng COVID-19 dahil sa tumataas na bilang ng kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).

Ito ay makaraang iulat ng Department of Health (DOH) na ilang mga ospital ngayon sa Metro Manila ang binabantayan dahil napupuno na ang kanilang mga ward.

Meron lamang pong apat o lima na lugar sa NCR kung saan nakitaan natin na medyo merong pagkapuno ang kanilang mga hospital sa kanilang ward,” sabi ni  Vergeire.

Sinabi ni Vergeire na nakipagpulong na ang DOH sa mga local government units at hospital administrators sa Metro Manila para ilipat ang mga mild at asymptomatic na kaso ng COVID-19 sa decongested na mga ospital tulad ng Manila COVID-19 Field Hospital kung saan dinala ang ibang pasyente.

Ayon kay Atty. Princess Abante, spokesperson ni Manila Mayor Honey Lacuna, sa ngayon ay 38 pasyente pa lamang ang naka-admit sa Manila COVID-19 Field Hospital batay na rin aniya sa datos mula sa Manila Health Department.

As of the moment po 38 ang current patients sa Manila COVID-19 Field Hospital po as per MHD,” sabi ni Abante sa pamamagitan ng isang Viber message.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.