Lungsod ng Maynila, planong gawing “smart city”

Share this information:

MGA paksa na tulad ng pagpapalakas ng teknolohiya sa pamamahala ng trapiko, pangangalaga sa kalusugan sa pamamagitan ng telemedicine, at mga imprastraktura, ay ilan lamang sa mga tinalakay kaugnay ng pagbisita ni Ambassador of the Russian Federation to the Philippines, His Excellency Marat Ignatyevich Pavlov, kay Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan nitong Miyerkules.

Tinalakay din ni Russian Ambassador Pavlov at Manila Mayor Lacuna-Pangan ang iba pang mga paksa tulad ng mga upgrade sa serbisyo at iba pang makakabuti sa lungsod na siyang magbibigay-daan upang ang lungsod ng Maynila ay maging isang “smart city.”

Pinag-usapan rin ng dalawa ang isang malaking event na gaganapin sa Moscow at Maynila na may kaugnayan sa medisina, bilang bahagi ng pagpapalakas ng ugnayan ng dalawang siyudad.

Pinasalamatan naman ni Lacuna ang Russia sa tulong nito na gawin ang Maynila bilang isa sa mga benepisyaryo ng Sputnik V COVID-19 vaccines.

Samantala, bumisita rin kay Lacuna si Ambassador of Vietnam His Excellency Hoang Huy Chung na nagpasalamat naman sa pagtatayo ng isang “bust” ng dating Pangulo ng Vietnam at itinuturing na Father of Vietnamese Independence na si Ho Chi Minh sa Intramuros.

Pinuri ng ambassador ang galing ng mga Filipinong guro na nasa Vietnam na nagtuturo ng English sa kanilang mga batang mamamayan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.