Nilinaw ng Department of Health (DOH) ang mga kumakalat na ulat na humihikayat sa mga tao na gumamit ng aspirin laban sa COVID-19.
Ipinapaalala ng DOH na ang COVID-19 ay dulot ng virus at hindi ng bacteria.
Hindi rin inirerekomenda ng DOH ang pag-inom ng aspirin pangontra sa COVID.
Ang maling pag-inom nito ay maaaring magdulot ng pagdurugo sa katawan at pagkamatay, Ito ay binibigay lamang sa mga pasyenteng kailangang mai-admit sa ospital.
Ayon sa DOH, alamin ang tamang impormasyon at iberipika sa legitimate sources.