3k doses ng Sputnik, natanggap na ng Maynila mula sa DOH

Share this information:

Naideliber na  ngayong araw sa Sta. Ana Hospital ang 3,000 doses ng Sputnik V vaccine ng Gamaleya Reaserch  Institute (GRI) ng Russia.

Mismong sina Mayor Francisco Domagoso at Vice Mayor Dr. Maria Sheilah Lacuna-Pangan ang sumalubong sa pagdating ng bakuna  na idiniliber sa pamamagitan ng  Pharmaserv Express cold-chain truck.

Agad itong inilagay sa  COVID-19 Vaccine Storage Facility na matatagpuan sa ikapitong palapag ng ospital. 

Sinabi ng alkalde na uunahin ang mga medical frontliners  sa darating na mass COVID-19 vaccination.

Priority dito sa ating mga medical frontliners. ‘Yung mga nasa A1 category na hindi pa nakapagpabakuna,” wika ng alkalde.

Makikipag-ugnayan naman aniya si Manila Health Department (MHD) chief Dr. Arnold ‘Poks’ Pangan sa anim na  district hospitals — Ospital ng Sampaloc, Sta. Ana Hospital, Ospital ng Maynila, Gat Andres Bonifacio Medical Center, Justice Jose Abad Santos Memorial Medical Hospital, at Ospital ng Tondo  upang malaman kung ilan ang health care workers ang babakunahan ng  Sputnik V .

Sakali namang  may matira sa Sputnik V vaccines matapos mabakunahan ang  A1 category ay saka  ibibigay sa A2 (senior citizens) at A3 (edad 18 hanggang 59 na may comorbidities) categories.

Ang Sputnik V ay binigyan ng Emergency Use Authorization (EUA) ng Food and Drug Administration (FDA) noong Marso 2021 kung saan ito ay may efficacy rate na 91.6 percent.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Navotas, nagsimula na sa payout ng pondo para sa ECQ Ayuda

Mon May 3 , 2021
NAGSIMULA na ang lokal na pamahalaan ng Navotas ng payout ng enhanced community quarantine (ECQ) cash assistance na mula sa pondo ng lungsod. Nasa 3,407 Navoteño families ang nakatanggap ng P1,000-P4,000 mula sa P32-milyon na pondo ng lungsod na ibinalik na budget mula sa iba-ibang mga tanggapan ng lungsod. “The […]

Follow Us

%d bloggers like this: