Food Security Summit ng DA, boboykotin ng mga sektor ng magsasaka

Share this information:

Boboykotin ng lahat ng sektor ng magsasaka ang Food Security Summit  ng Department of Agriculture (DA) na gaganapin sa Mayo 18 at 19.

Ito ang inihayag ni  Nicanor Briones, National Chairman ng Pork Producer Federation of the Philippines makaraang  magkasundo ang ibat-ibang samahan  na huwag dumalo sa ipinatawag ni DA Sec. William Dar na food congress o summit.

Sinabi ni Briones na wala rin namang mangyayari  kahit makipag-usap sila kay Dar dahil hindi naman ito nakikinig sa kanilang  suhestyon tuwing sila ay nagpupulong.

“Wala siyang kuwentang kausap,” tahasang sinabi ni Briones.

Ayon pa kay Briones walang pagmamahal at malasakit si Dar sa mga magsasaka.

Sa halip na dumalo sa Food Security Summit, magsasagawa umano ng hiwalay na Food Congress ang mga producer ng baboy, baka, manok, palay, gulay, isda at iba pa para bumalangkas ng mga hakbang at solusyon sa usapin ng produksyon, suplay at presyo.

Ang mga rekomendasyon na mabubuo aniya ay kanilang isusumite sa Senado, Kamara at Malakanyang.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Huwag gumamit ng Aspirin laban sa COVID-19 -- DOH

Mon May 3 , 2021
Nilinaw ng  Department of Health (DOH) ang mga kumakalat na ulat na humihikayat sa mga tao na gumamit ng aspirin laban sa COVID-19. Ipinapaalala ng DOH  na ang COVID-19 ay dulot ng virus at hindi ng bacteria.  Hindi rin  inirerekomenda ng DOH ang pag-inom ng aspirin pangontra sa COVID.  Ang […]

Follow Us

%d bloggers like this: