Breaking News

Share this information:

Bumuhos ang mga tao na nais makakuha ng libreng Pfizer vaccine laban sa COVID-19  sa Manila Prince Hotel sa Maynila ngayong araw.

Napag-alaman na madaling araw pa lamang ay pumila na ang mga nasa kategoryang A1  (medical frontliners), A2 (senior citizen), at A3 (person with comorbidity) para sa kanilang first dose.

Dahil sa patuloy na pagdagsa ng mga tao sa nasabing hotel, abala naman ang Manila Police District sa pagsasaayos sa pila upang mapanatili na nasusunod pa rin ang health protocol lalo na ang physical distancing, gayundin ang pagsusuot ng face mask at face shield.

Ayon kay Manila Mayor Francisco Domagoso, nasa 900 doses ng Pfizer vaccine ang nakalaan sa mga nais magpabakuna sa nasabing hotel.

Personal din na nagtungo sa nasabing vaccination site bilang kinatawan ng lokal na pamahalaang lungsod si Liga ng Barangay President Lei Lacuna upang magbigay ng direktiba at maisaayos ang pila ng mga nais magpabakuna. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: