Hirit na drugtest sa mga kandidato sa eleksyon 2022, sinopla ng Comelec

Share this information:

HINDI umano uubra ang hirit ng ilang mga gustong kumandidato sa eleksyon sa susunod na taon na maisalang muna sa drug test ang lahat ng naghahangad na tumakbo upang magsilbing halimbawa ng taumbayan.

Tinukoy ni Commission on Elections (Comelec) spokesperson James Jimenez ang desisyon ng Korte Suprema na kumontra sa drug test.

“We’ve done this before. The Supreme Court ruled against it, and we stopped,” ayon kay Jimenez.

Una nang pinalutang ni Manila Mayor Isko Moreno ang panukalang mandatory drug test para sa mga kandidato sa halalan. Kinatigan naman ito nina Senador Panfilo Lacson, Senador Manny Pacquiao, Senador Ronald Dela Rosa, at Vice President Leni Robredo, na pawang mga kakandidatong Presidente ng bansa.

Gayunman sa desisyon ng Korte Suprema nuong 2018, idineklara nitong unconstitutional ang probisyon ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na nag-oobliga ng drug testing sa mga kandidato sa ano mang posisyon sa gobyerno.

Ipinunto nuon ng SC na maituturing na paglabag sa 1987 Constitution ang nasabing pagdaragdag ng kuwalipikasyong itinakda sa Section 3, Article VI para sa mga kakandidatong senador na “No person shall be a senator unless he is a natural born citizen of the Philippines, and on the day of the election, is at least 35-years of age, able to read and write, a registered voter, and a resident of the Philippines for not less than two years immediately preceding the day of the election.”

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Pekeng pera na gagamitin sa vote-buying, nakumpiska; 2 arestado

Fri Oct 29 , 2021
DINAMPOT ng mga awtoridad ang dalawang lalaki sa Cebu City makaraang mahulihan ng pekeng pera na gagamitin umano sa pagbili ng boto sa halalan sa Mayo 9, 2022. Ayon sa kalatas ng Philippines National Police (PNP), umaabot sa P100,000 ang pekeng peso bills na nakumpiska mula sa mga suspek na […]
%d bloggers like this: