Hintayin muna ang desisyon ng IATF bago maglabas ng utos tungkol sa paggamit ng face shield — DOH

Share this information:

NANAWAGAN ang Department of Health (DOH) sa mga local government units (LGUs) na hintayin muna na makapaglabas ng desisyon ang IATF bago maglabas ng Executive Order kaugnay sa pagsusuot ng faceshield.

Ginawa ni DOH spokesperson at Usec. Maria Rosario Vergeire  ang pahayag kasunod na pagdedeklara ni Manila Mayor Francisco Domagaso sa pamamagitan ng nilagdaan nitong EO 42 na non-mandatory na ang pagsusuot ng face shield epektibo ngayon araw, Nobyembre 8.

Nakiusap din si Vergeire na hintayin muna ang ilalabas na desisyon ng IATF bago gumawa ng executive order.

Paliwanag pa ni Vergeire, mayroon naman na existing IATF resolution kaugnay sa face shield na sinusunod.

Dagdag nito maglalabas pa lamang ng updated recommendation ang mga eksperto na siyang ipiprisinta ng DOH sa IATF sa Huwebes.

Kaugnay nito, ipinauubaya na lamang ng DOH sa Department of the Interior and Local Government ang nasabing usapin. 

Matatandaan na nauna nang hinikayat ng alkalde ng Maynila ang national government na bumili na lamang ng gamot sa COVID-19 lalo na ang Tocilizumab at Remdesivir sa halip na face shields.

Ipinunto rin ng alkalde na tanging ang Pilipinas lamang sa buong mundo ang gumagamit ng faceshield . “Kung bumili ka ng 1,000 na Tocilizumab at P25,000 that is only P25 million. Kapag bumili ka ng 10,000 na Tocilizumab at Remdisivir wala ka pang P200 million nayakap mo pa buong Pilipinas. So ako, payo ko talaga sa kanila huwag face shield ang bilhin ninyo,” ayon pa kay Domagoso.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.