Face shield, hindi na kailangan sa Maynila, maliban sa mga ospital

HINDI na mandatory ang pagsusuot ng face shield  sa lungsod ng Maynila simula ngayong araw.

Ito ang inanunsyo ni Manila Mayor Francisco Domagoso sa ilalim ng Executive Order No. 42. Nakasaad dito na hindi na mandatory ang pagsusuot ng face shield, maliban na lang sa loob ng mga ospital at medical facilities. 

Magugunitang matagal nang inirerekomenda ni Mayor Domagoso sa Inter Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) na bawiin na ang mandatory na pagsusuot ng face shield subalit tinutulan ito ng Department of Health (DOH) at ni Pangulo Rodrigo Duterte.

Samantala, nagpaalala ang alkalde sa mga Manileño na sa kabila ng mas maluwag na Alert Level 2 na ipinatutupad sa Metro Manila ay huwag maging pabaya dahil mayroon pa rin COVID-19. 

Ipagpapatuloy pa rin ang pagsunod sa basic health protocols tulad ng  pagsusuot ng face mask at  physical distancing. 



Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.