Hinihinalang miyembro ng gun-for-hire group, nakipagbarilan sa mga parak

Share this information:

BATANGAS–Nauwi sa engkwentro kagabi ang isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Buhay na Sapa, San Juan, Batangas laban sa isang suspek na kabilang sa drug watchlist at hinihinalang miyembro ng isang armed group.

Nakipagbarilan sa mga tauhan ng San Juan Municipal Police Station  ang suspek na si Carding Mendoza.

Ayon kay Batangas Provincial  Director PCol. Rex Arvin Malimban, kilalang miyembro ng Michael Florendo Gun for Hire group na nago-operate sa 4th District ng Batangas at ilang kalapit probinsya ang nasabing suspek .

Nagpanggap ang isang pulis  na buyer ng ilegal na droga at nang ma-amoy nito na pulis ang kanyang katransaksyon ay agad itong bumunot ng baril.

Nagtamo ng tama ng bala si Mendoza matapos itong manlaban sa mga pulis.

Agad na dinala ito sa San Juan Hospital ngunit ideneklara na itong Dead on Arrival ng doktor.

Narekober naman sa crime scene ng Scene of the Crime Operatives (SOCO ) ang isang cal. 45 pistol Colt at isang magazine, tatlong spent cartridges ng cal. 9mm ng baril, dalwang spent cartridge ng cal. 45, pitong live ng bala ng cal. 45 at tatlong Heat Sealed Plastic Sachet na may lamang hinihinalang shabu na may bigat na 3.5 grams na tinatantyang P8,000 ang halaga, isang 1,000 peso bill na ginamit bilang marked money at isang brown wallet. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Dalawa, dedo sa magkahiwalay na insidente sa Rizal

Thu Jan 28 , 2021
RIZAL–Patay ang dalawang lalaki sa magkahiwalay na mga insidente ng pamamaril sa Antipolo at Angono sa lalawigan ng Rizal. Sa Antipolo City, pinagbabaril  ng riding-in tandem  si Fernado Cabarles Tenedero sa Amity Court, Purok 5, Zone 8, Cupang habang papasok ito sa kanyang trabaho. Tadtad ng tama ng baril sa […]

Follow Us

%d bloggers like this: