Dalawa, dedo sa magkahiwalay na insidente sa Rizal

Share this information:

RIZAL–Patay ang dalawang lalaki sa magkahiwalay na mga insidente ng pamamaril sa Antipolo at Angono sa lalawigan ng Rizal.

Sa Antipolo City, pinagbabaril  ng riding-in tandem  si Fernado Cabarles Tenedero sa Amity Court, Purok 5, Zone 8, Cupang habang papasok ito sa kanyang trabaho.

Tadtad ng tama ng baril sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan ang biktima na naging sanhi ng agad nitong pagkamatay.

Ang mga di pa nakikilang suspek ay agad tumakas papalayo mula sa lugar na pinangyarihan ng krimen.

Samantala, sa bayan ng Angono naman papaandarin pa lamang ng biktimang si Reynaldo Flores Agra ang kanyang motorsiklo sa Aguinaldo St., Barangay Kalayaan ng makita siya ng suspek na si Errol Ellecion Cruz na may dalang armas.

Nilapitan ng biktima ang suspek upang komprontahin hanggang sa magpambuno ang dalawa.

Ngunit sa kasamaang palad ay nadulas ang biktima kaya’t nakakuha na ng pagkakataon ang suspek na si Errol na iputok ang dala nitong baril ng ilang beses sa katawan ng biktima.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas si Errol patungong Villaluz Street.

Dead on Arrival naman sa Rizal Provincial Hospital System Annex ang biktima.

Tinitingnang anggulo sa papamaslang ay ang matagal nang kinikimkim na galit ng suspek sa biktima dahil sa hinihinalang relasyon nito sa kanyang asawa.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.