Bangkay, natagpuan dahil sa masamang amoy

Share this information:

LAGUNA–Isang bangkay ang natagpuan kagabi ng mga tauhan ng Brgy. Tranca, Bay, Laguna.

Ayon sa Bay Municipal Police Station, ang bangkay ay natagpuan sa isang residential area  sa Sitio Las Palmas, Brgy. Tranca ng isang nagngangalang Ross Tan.

Tumambad ang bangkay ng biktima matapos buksan ang bintana ng bahay nito na nananatili pa ring naka-kandado. Hinihinalang naaagnas na ito dahil sa umaalingasaw na mabahong amoy.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang pulisya kung may foul play na naganap. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Hinihinalang miyembro ng gun-for-hire group, nakipagbarilan sa mga parak

Thu Jan 28 , 2021
BATANGAS–Nauwi sa engkwentro kagabi ang isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Buhay na Sapa, San Juan, Batangas laban sa isang suspek na kabilang sa drug watchlist at hinihinalang miyembro ng isang armed group. Nakipagbarilan sa mga tauhan ng San Juan Municipal Police Station  ang suspek na si Carding Mendoza. Ayon kay […]

Follow Us

%d bloggers like this: