Hinihinalang biktima ng EJK, itinapon sa Quezon City

Isang bangkay ng lalaki na hinihinalang biktima ng Extra Judicial Killing o EJK ang natagpuan sa isang lote sa Quezon City.

Nakabalot ng masking tape ang buong mukha, nakatali ang paa at kamay habang may tama ng bala ng baril ang katawan ng biktima na nakilalang si Augusto Santos na nadiskubre sa bahagi ng P. Florentino at Biak na Bato street sa Barangay Sto. Domingo.

Batay sa imbestigasyon ni Police Staff Sergeant Von Ryan Signap, ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), isang security guard na si JemReyson Agocoy ng Rex Printing Company na matatagpuan sa nabanggit na lugar ang siyang unang nakatagpo sa bangkay ni Santos mag aalas dos ng madaling araw ng Huwebes, September 17, 2020.

Pero ayon sa guwardiya, bago nito nakita ang bangkay ay apat na malalakas na putok ng baril ang narinig niyang umalingawngaw sa lugar na kung saan ay namataan din nito ang isang SUV na mabilis na tumakas.

Narekober ng SOCO team ang ilang basyo ng bala na nagmumula sa isang kalibre .45 baril.

Patuloy pa na inaalam ng pulisya sa kanilang imbestigasyon kung may kaugnayan ang pagpaslang sa biktima sa ilegal na kalakalan ng droga sa lungsod ng Quezon.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.