Muling ibinalik ng Department of Transportation (DOTr) ang 1-meter social distancing sa lahat ng pampublikong sasakyan.
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque sa kanyang press briefing.
Ayon kay Roque, umayon na ang DOTr na muling ibalik sa isang metrong distansiya ng bawat mananakay sa lahat ng pampublikong sasakyan alinsunod sa minimum health standards ng Inter Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF-EID).
Subalit hihintayin muna ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte kung papayagan ang suhestyun ng ahensya.
Samantala, kapwa pabor sina Interior and Local Government Sec. Eduardo Año at Health Sec. Francisco Duque III na panatilihin ang 1 meter distance.
Nauna rito, inaprubahan ng IATF na gawing .75 meter ang distansya sa mga pampublikong sasakyan.