Hiling ng “reactivation” at “transfer of voter registration,” natanggap ng Comelec mula sa mga bagong botante

ISINAAD ng Commission on Elections (Comelec) na kabilang sa mahigit dalawang milyong aplikasyon na natanggap nito para sa voter registration ang mga bagong botante na humiling ng “reactivation” o paglilipat ng voter registration.

Ayon sa Comelec Election and Barangay Affairs Deparment-Precinct Division Atty. Jennifer Felipe, ito ay mula nang magsimula ang voter registration noong nakaraang Pebrero.

Hinimok naman ng Comelec ang mga botante na huwag nang hintayin ang “last-minute” o paghahabol ng oras at magparehistro na bago ang deadline sa Setyembre 30.

Kaugnay nito, ang pilot internet voting para sa overseas Filipinos para sa 2025 elections ay itinakda upang mahikayat ang mas mataas na voter turnout.

Noong 2022,  nasa 600,000 lamang ng 1.6 milyong rehistradong overseas Filipino voters ang bumoto.

Nitong unang bahagi ng buwan, nagsagawa ang komisyon ng pangalawang round ng bidding para sa P465.8 milyong Online Voting and Counting System (OVCS), ang pangalawang pinakamalaking kontrata para sa susunod na botohan. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.