Kush at cannabis, nasabat ng BOC sa NAIA

TINATAYANG aabot sa halagang mahigit P2 milyon ng kush (high-grade marijuana) at cannabis oil ang nadiskubre ng mga tauhan ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA).

Nadiskubre ang ilegal na droga  sa isinagawang inspeksyon sa pammagitan ng K-9 unit sa isang inabandunang parcel noong Abril 26.

Ayon sa BOC-NAIA, ang parcel ay idineklarang galing sa USA at Canada at naglalaman ng mga car seat cover, mga customized na coffee mug at mga libro.

Nang buksan, natuklasan na kush at cannabis oil na nakatago sa loob ng 70 vape pens ang nilalaman ng nasabing parcel.

Sa ngayon, patuloy ang follow-up operasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang mga tatanggap ng parcel.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.