DOLE chief, pabor sa “Run, Sara, Run” sa 2022

Share this information:

Lumahok si  Labor Secretary Silvestre Bello III  sa panawagan ng publiko na  hikayatin  ang presidential daughter na si Sara Duterte-Carpio na tumakbo para sa 2022 national elections.

Sa pagbisita sa kalihim ni Daniel Nobleza, isang radio anchor at founder ng Inday Sara Cares Movement, binanggit nito na ang pangunahing layunin ng kanilang pagbisita ay upang makuha ang kanyang suporta tungkol sa pagtakbo ni Mayor Sara Duterte-Carpio bilang Pangulo sa susunod na eleksiyon.

Napansin din nila na may isang 2021 na calendar sa tanggapan ng kalihim na may campaign slogan na “Run Sara Run.”
 
“December pa ako namimigay niyang kalendaryo. Syempre Sara Duterte tayo sa 2022. Sana tumakbo na siya,” pahayag naman ng kalihim sa Sara Duterte volunteers.
 
“Hindi namin ito inaasahan, nakakatuwa na si Sec. Bello mismo ang nagsabing Duterte tayo! Sulit ang punta namin sa kanyang opisina. Thank you for your support aming masipag na DOLE (Department of Labor and Employment) Secretary,” dagdag ni Nobleza.
 
Pahayag pa ni Bello na panahon na para magtagumpay  sa  pamana ng kanyang ama si Sara Duterte  at matupad ang lahat ng kanyang mga nakamit particular sa programang “Build, Build, Build,” mga pagpapaunlad sa aspeto ng transportasyon at ang pagbawi  ng ekonomiya ng bansa.
 
“As of now, she (Sara Duterte) is still hesitant to run, pero publiko na ang humihiling para siya ay tumakbo.
 
“It’s her time for the presidency, sana tumakbo na ang ating susunod na presidente,” anang kalihim. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

NBI, dapat imbestigahan ang smuggling sa Customs

Tue Feb 9 , 2021
Dapat umanong imbestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI)  ang talamak na smuggling  sa Bureau of Customs (BOC) at mga kahina-hinalang trader. Ito ang naging tugon ng samahan ng mga magbababoy sa isang media forum  patungkol sa kautusan ng Department of Justice (DOJ) sa NBI na imbestigahan ang manipulasyon sa […]

Follow Us

%d bloggers like this: